Huwebes, Marso 2, 2017

ISYUNG PANLIPUNAN



Sa kabanatang ito, may makikita tayong mga isyung panlipunan na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa ating panahon kagaya nalang ang:

KAHIRAPAN - Sa ilalim ng bapor, masikip at mainit dahil marami ang mga tao dito habang ang kalagayan ng ibabaw ng bapor ay kasalungat sa ilalim. Sa ating panahon ngayon, mas marami ang mga mahihirap kesa sa mga may kaya o mayayaman. Ang mas malaking bahagi ng mga rekurso o yaman ng ating bansa ay napupunta sa mga mayayaman habang ang kaunting bahagi ay napupunta sa mga mahihirap.





KAKULANGAN at PAGKAKAIT NG EDUKASYON - Si Basilio at Isagani ay gustong matuto ng Wikang Kastila at makikita natin na nagsisikap upang makamit ang kanilang kagustuhan subalit dahil sa iba't ibang mga kadahilanan ay hindi nila nakamit ang kanilang layunin, kagustuhan at lalong lalo na ang kanilang karapatan matuto. Kagaya nalang sa panahon nating ngayon, maraming mga tao ang gustong makapag-aral at matuto subalit dahil sa kahirapan ay hindi nila natatamo ang kagustuhan na ito.








10 komento: