BUOD
Ang kubyerta ay isang parte ng barko/bapor. Sa bapor na sinasakyan ni Simoun ay may dalawang parte ito, ang ibabaw at ilalim. Napakalaki ang pagkakaiba ng kalagayan ng mga na sa ibabaw ng bapor at ng na sa ilalim. Sa ilalim ng kubyerta ang mga manlalakbay ay nakaupo lamang sa mga maliliit na silya at bangko kung saan nakalagay rin ang kanilang mga maleta, baul, basket at iba pa. Dahil sa init, naghalohalo ang mga singaw ng mga tao at napakaingay pa dito dahil malapit lang ang makina ng bapor sa ilalim ng kubyerta. Ipinapakita nito na hindi komportable ang kapaligiran sa ilalim ng bapor. Sa kabila ng kalagayan ng mga pasahero sa ilalim ng bapor, masaya pa rin sila at nananabik nang magbakasyon para sa kapaskuhan. Sa ibabaw naman ng bapor ay mas maganda at komportable ang kapaligiran. Dito ang mga mayayaman nakaupo, kabilang na si Simoun. Si Isagani at Basilio, mga mag-aaral, ay mataimtim na nag-uusap kasama si Kapitan Basilio sa layunin ng mga mag-aaral na makapagpatatag ng akademya para sa pagtuturo ng wikang Kastila. Pursigido ang mga mag-aaral na maipatatag ito kung kaya't naihanda na nila lahat ng kinakailangan at ang kulang nalang ay ang pahintulot upang maitulak ang kanilang layunin.
MGA TAUHAN
Basilio -
Mag-aaral ng medisina. Nilunok niya ang pagmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro dahil sa kaniyang anyo at kalagayan sa buhay.
Isagani -
Isang makata o manunugma. Isa sa mga estudyante na sumusuporta na hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang Kastila sa Pilipinas.
Simoun -
Si Crisostomo Ibarra na nagpanggap bilang isang napakayamang mag-aalahas na bumalik sa Pilipinas upang maghasik ng rebolusyon laban sa mga Kastila na namumuno bilang paghihiganti sa mga ginawa nila sa kaniya.
Kapitan Basilio -
Isang mayamang mamamayan na taga-San Diego.